7 mga pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga, naaresto sa iba’t ibang lugar sa Taguig City at Muntinlupa City

78

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa Police Station ang 7 mga pinaghihinalaang drug suspects sa isinagawang sunod sunod na anti-criminality operations na nagresulta sa pagkakakumpiska ng ₱104,040 halaga ng shabu sa iba’t ibang lugar sa Taguig City at Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspek na sina Marlex Manalo, 26-anyos, Joselito Guevarra, 30-anyos William Sabe, 43-anyos, Reynaldo Mojica, 53-anyos, Jeffrey Mojica, 43-anyos, Alvin Bien, 37-anyos at Roger Tolentino, 44-anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Muntinlupa Philippine National Police (PNP), nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa PNP sa magkahiwalay na lugar sa Purok 1, Brgy. Cupang Muntinlupa,Upper Katihan Brgy Poblacion, Muntinlupa City, Pineapple St., New Lower Bicutan, Taguig City, at Dimson Compound, Purok 6, Barangay Tanyag, Taguig.


Narekober sa mga suspek ang 16 na gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱104,040 at buy bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments