7 official at staff ng Tricity Medical Center inirekomenda ng NBI na sampahan ng kasong kriminal sa DOJ

155

Inirekomenda ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na sampahan ng patung- patong na mga kaso ang 7 mga official at staff ng Tricity Medical Center sa pandaraya sa pag-claims sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Kinilala ni NBI-Officer-in-Charge Director Eric B. Distor ang mga inakusahan na sina Dr. Enrico Cruz, Hospital Administrator at mga miyembro ng Board of Directors na sina Dr. GJay Lalu Ordinal, Dr. Froilan Antonio de Leon at Dr. Lourdes Rhoda Reyes Padilla, mga staff na sina Cherry Ann Catala Flores, nurse, Arlene Joy G. Sebuc, PhilHealth Staff ng Tricity Medical Center at Svend Agodilos Rarnces, hospital clerk.

Sinabi ni Director Distor nag-ugat ang imbestigasyon makaraang makatanggap ng impormasyon ang NBI-Anti Graft Division na noong January 8, 2020, ang Tricity Medical Center, Inc. sa Pasig City ay nagpoproseso ng mga maling impormasyon at kumukuha ng reimbursement mula sa PhilHealth ng mga patay ng pasyente para sa hemodialysis.


Natuklasan ng NBI-Anti Graft Division na umaabot sa 318 na fraudulent claims na may kabuuang Php 824,200.00 ang nakuha ng Tricity Medical Center.

Giit pa ni Distor na umaabot na sa Php 4,308,000.00 ang kabuuang nakuha sa mga pasyente ng ospital simula noong taong 2016 hanggang 2019.

Facebook Comments