7 patay, sa magkahiwalay na salpukan ng motorsiklo at truck sa Zamboanga Norte

62

Zamboanga Del Norte, Philippines – Pito ang patay sa magkahiwalay na aksidente ng salpukan ng motorsiklo at truck sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte kamakailan.

Batay sa ulat ng Police Regional Office Region 9 (PRO-9), unang nangyari ang madugong aksidente sa highway ng Sitio Milaned, Barangay Talinga sa bayan ng Leon B. Postigo kung saan sumalpok ang isang motorsiklo sa nakasalubong nitong truck na minamaneho ng isang Robert Batoon Soria Sr., 58 anyos.

Sa nasabing aksidente, idineklarang dead on arrival ospital ang driver ng motorsiklo na si Ronel Edjas Villagracia, 28; kasama ang kanyang kapatid na si Marvin Edjas Villagracia, 17; Reymart Pontalan Edjas, 20 at si Roberto Pontalan Edjas Jr, 12.

Ang mga biktima ay parehong mga residente ng Sitio Pasi, Barangay Moyo, Siayan na magkasamang nakasakay sa isang motorsiklo na napag-alamang walang plate number.

Sinundan din ito ng isa pang madugong aksidente sa highway naman ng Purok 7, Barangay Lintangan sa bayan ng Sibuco kung saan ang truck naman na minamaneho ni Diomel Ambag Dua, 21-anyos, ang bumangga sa paparating na morsiklo.

Ayon sa report ng Sibuco Municipal Police Station, pareho ring nasawi ang driver ng motorsiklo na si Joseph Limbang Amalan, 25 at dalawang back rider nito na sina Peter Alcala Sallan, 67 at Jimboy Ventura Amparo, 18.

Boluntaryo umanong sumuko ang dalawang driver ng nakaaksidenteng truck na ngayon ay parehong nakaditine sa PNP detention cell.
DZXL558

Facebook Comments