7 police officers, patay matapos atakihin ng hindi pa nakikilalang grupo sa Northern Burkina Faso, West Africa

2171

Nasawi ang pitong police officers habang lima ang sugatan matapos atakihin ng hindi pa nakikilalang grupo sa Northern Burkina Faso sa West Africa.

Ayon sa mga otoridad, nasa gitna ng security mission ang mga pulis malapit sa Alkoma, na pagitan ng Dori at Essakane (e-se-keyn) town ng umatake ang grupo.

Ang Islamist militant groups na may koneksiyon sa al Qaeda at Islamic State ang aktibong grupo sa lugar na naka-border sa Niger at Mali.


Patuloy naman ang ginagawang search operations ng mga otoridad upang mahanap ang mga ito.

Una na ring nasawi sa kaparehong lugar ang limang police officers.

Facebook Comments