7 pulis, itinuturing na Persons of Interest sa pamamaril kay Kerwin Espinosa

Mayroon ng Persons of Interest (POI) ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril kay mayoralty candidate Kerwin Espinosa.

Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Jean Fajardo, pitong pulis mula Ormoc City ang itinuturing ngayong mga POI.

Sinabi ni Fajardo na naabutan ang mga pulis sa isang compound malapit sa pinangyarihan ng insidente, ang kaparehong lugar kung saan umano nagmula ang putok ng baril.


Dagdag pa ni Fajardo, isang SUV ang mabilis na tumakas patungo sa compound matapos ang pamamaril at nang sundan ito ng mga awtoridad, tumambad sa kanila ang pitong armadong pulis.

Posible rin aniyang sniper ang ginamit sa pag-atake kay Espinosa dahil walang senyales ng malapitan na putok.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Leyte police provincial office ang 7 pulis habang isinasailalim narin sa ballistic examination ang kanilang mga baril.

Si Espinosa ay pinagbabaril habang nangangampanya sa bayan ng Albuera, Leyte kahapon kung saa dalawang indibidwal ang nadamay at nasugatan sa insidente.

Facebook Comments