7 sa 9 na mangingisdang nawawala sa Iloilo, natagpuan na ng PCG

Narekober na ang pitong katawan ng mangingisda habang dalawa pa rin ang pinaghahanap matapos lumubog nitong September 24 ang isang fishing vessel.

Naganap ito sa karagatang sakop ng Tanguingui Island sa Northern Cebu at Gigantes Island sa Iloilo.

Tiniyak naman ni Philippine Coast Guard (PCG) Western Visayas Deputy Commander Captain Ludovico Librilla ang patuloy na Search and Rescue/Retrieval Operations para mahanap ang iba pang nawawala.


Facebook Comments