7 sa bawat 10 Pinoy, nag-aalala sa kalusugan ng Pangulo – SWS survey

144

Mayorya ng mga Pilipino ang nag-aalala sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 4th quarter 2019 survey ng Social Weather Stations, 72% ng respondents ang nagsabing nag-aalala sila, habang 28% ang hindi.


Lumabas din sa survey na 61% ang naniniwalang kailangang malaman ng publiko ang estado ng kalusugan ng Pangulo, habang 37% ang nagsabing isang private matter ito.

Isinagawa ang survey mula December 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents.

Ang survey ay non-commissioned.

Facebook Comments