
CAUAYAN CITY- Pitong senior citizen mula sa Gamu, Isabela ang masayang tumanggap ng cash incentive mula sa Lokal na Pamahalaan bilang bahagi ng Expanded Centenarians Act of 2024.
Sa ilalim ng batas na ito, ang mga Pilipinong umabot sa edad na 80 at 85 ay makakatanggap ng ₱10,000 bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lipunan.
Ang batas ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Pebrero 26, 2024, upang matulungan ang mga nakatatanda sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa kabuuan, ₱70,000 ang inilaan ng Lokal na Pamahalaan ng Gamu upang matiyak na lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng tulong.
Facebook Comments