70 bangkay ng PDLs na natengga sa isang punerarya sa Muntinlupa, inilibing ng BuCor

Inilibing ngayong araw ng Bureau of Corrections ang nasa 70 pang bangkay ng mga Person Deprived of Liberty na namatay sa New Bilibid Prison.

Sila ay kabilang sa 176 na mga natenggang bangkay sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa City.

Bago inilibing ay nagsagawa muna ng misa para sa kanila.


Inihatid sila ng mga kapwa nila PDL sa Japanese Cemetery sa loob ng Bilibid.

Samantala, ayon sa BuCor, nasa 36 na bangkay pa ng mga PDL mula sa punerarya ang nakatakda nilang ilibing sa susunod na linggo.

Facebook Comments