70 CAFGU SA CAGAYAN, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL MULA SA DSWD R2

Cauayan City – Tumanggap ng ₱4,000 tulong pinansyal at family food packs ang 70 miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Lal-lo, Cagayan.

Pinangunahan ni DSWD Field Office 02 Regional Director Lucia Suyu-Alan ang pamamahagi ng ayuda, katuwang ang mga opisyal ng 17th Infantry Battalion at 95th Infantry “Salaknib” Battalion.

Ayon kay Gidion Cariazo, mula Piat na isa sa mga benepisyaryo, malaking tulong ang natanggap niyang pera upang suportahan ang kanyang anak na malapit nang magtapos sa kolehiyo.


Sa naging mensahe ni RD Alan, binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng CAFGU sa seguridad at kapayapaan, kaya’t patuloy silang susuportahan ng pamahalaan.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t ibang patrol bases sa Cagayan, na patuloy na naglilingkod para sa katahimikan at seguridad ng rehiyon.

Facebook Comments