70 pamilya, nawalan ng matitirhan dahil sa sunog na sumiklab sa residential area sa Taguig

170

Sa harap ng nararanasang masamang lagay ng panahon, 70 pamilya ang sumisilong ngayon sa covered court ng Barangay Ususan matapos tupukin ng sunog ang 50 kabahayan sa Marcelino Compound, Cayetano Ave., Brgy. Ususan, Taguig City.

Ayon kay Fire Supt. Bernard Rosete, nagsimula ang sunog bandang alas-12:52 kaninang madaling araw na umabot ng ikalawang alarma bago naideklarang fire out ala-1:03 kaninang madaling araw.


Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Cleopatra Ferrer.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog habang umabot sa P375,000 ang pinsalang inabot.

Facebook Comments