7,000 na ACM, muling kukuhanin ng Comelec sa Miru System para sa BARMM Elections

Target ng Commission on Elections (COMELEC) na kumuha ng 7,000 automated counting machines mula sa Miru Systems na gagamitin para sa Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na idaraos sa October 13.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na 3,500 presinto ang gagamitin para sa BARMM elections, at isang makina ang nakareserba sa bawat presinto.

Aabot sa 2.3 milyon ang bilang ng mga botante sa BARMM, kaya pinaghahandaan na rin ang pag-imprenta ng mga balota.

Paglilinaw ni Garcia, ang mga makinang ginamit sa 2025 midterm elections noong May 12 ay pang-isahang gamit lamang, kaya isasauli muna ang lahat ng ito sa service provider.

Dadaan naman sa final testing and sealing ang mga makina kung saan hiwalay na budget ang ilalaan para sa BARMM elections na aabot sa ₱2.7 billion.

Target din ng COMELEC na maglagay sa BARMM ng Starlink o satellite connection para sa transmission ng mga boto, para maiwasan ang mga problemang naranasan sa botohan noong nagdaang eleksyon.

Facebook Comments