70,000 daily vaccinations, target ng pamahalaan sa Hunyo – DOH

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng nasa higit 70,000 tao kada araw sa susunod na buwan lalo na at dumating na sa bansa ang karagdagang supply ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang kasalukuyang daily vaccination capacity ng bansa ay nasa 60,000.

Kapag dumagsa pa ang vaccine supply, inaasahang nasa 100,000 hanggang 200,000 ang maisasagawang vaccinations kada araw.


Dapat ding itaas ng vaccination sites sa buong bansa ang target na vaccination per day.

Nasa 1,047 ang kabuoang bilang ng vaccination sites sa bansa.

Facebook Comments