700K NA MENOR DE EDAD, TARGET MABAKUNAHAN SA REGION 1 BAGO MATAPOS ANG 2021

52

Target na mabakunahan sa Region 1 ang 700, 000 na kabilang sa edad 12-17 sa pagtatapos ng taon.

Ayon kay Dr. Mar Wyn Bello, Assistant Director ng DOH Region 1, medyo may kakulangan sa ibinibigay na bakuna ng DOH upang masakop ang pediatric age group.

Nasa 350, 000 pa lamang na bakuna para sa mga nasabing kategorya ang dumating sa rehiyon.


Panawagan nito sa mga LGUs na i-convert na muna ang dumating na Pfizer para na second dose para sa first dose ng mga kabataan nang mabigyan ang lahat ng unang dose.

Tiniyak naman nito na darating ang bagong supply bakuna partikular ang Pfizer para sa mga tatanggap ng second dose.###

Facebook Comments