716 medical professionals ng Taguig City, mangangasiwa sa pagbabakuna

30

Nakahanda na ang 716 na medical professionals ng Taguig City Government para sa roll out ng vaccination program sa lungsod.

Kinabibilangan ito ng mga doctor, nurse at mga midwife na nagsasama-sama para sa vaccination training na inorganisa ng Taguig City Health Office.


Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, magsasagawa rin sila ng dry run sa Taguig Field Hospital sa Lakeshore Mega Complex kung saan idadaos ang demonstration sa pagbabakuna.

Ang vaccination team ay ide-deploy sa tatlong mega vaccine facilities at community vaccination centers ng bawat barangay.

Handa rin ang Taguig LGU na magsanay ng karagdagang medical professionals kung kinakailangan.

Facebook Comments