72 ANYOS NA LOLA, PINAGSASAKSAK NG KANIYANG DI UMANOY 33 ANYOS NA KINAKASAMA

Patay sa pananaksak ang isang 72-anyos na lola sa Brgy. Panakol Aguilar, Pangasinan.

Ang suspek sa Pagpatay sa lola ay ang di umanoy 33 anyos na lalaking kinakasama nito.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Aguilar Police Station OIC, Police Major Mark Anthony Taminaya, base sa kanilang imbestigasyon narinig umano ng mga kapitbahay ang biktima at ang suspek na nagtatalo sa kanilang bahay.

Ayon pa sa pulisya, Isa rin sa pinagmulan ng pagtatalo ng dalawa ay ang paniningil ng biktima sa suspek sa kaniyang utang na 13,000.

Giit naman ng suspek, wala silang relasyon ng biktima, at apat na buwan pa lamang silang nagsasama.

Inamin din nito sa biktima noong araw na iyon na mayroon itong nililigawan.

Dahil dito, pinagsisigawan ng biktima ang suspek hanggang sa kumuha ito ng kutsilyo sa kusina at pinagsasaksak sa bunganga at Braso ang lola.

Nahuli ang suspek sa hot pursuit operation ng pulisya.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments