74-anyos na Pinay, sinuntok ng hindi pa kilalang salarin sa New York City; suspek, patuloy na tinututugis

167

Isa na namang Pinay ang panibagong biktima ng pag-atake sa 485 Madison Avenue sa Midtown Manhattan, New York City noong Agosto 24.

Ayon sa New York Police Department (NYPD), pinaghahanap na nila ang isang babae na nakasuot ng puting jacket na sumapak sa isang 74-anyos na Pinay na naglalakad lamang sa nasabing lugar.

Anila, nasa maayos ng kondisyon ang nasabing Pinay na nagpapagaling sa NYU Langone hospital.


Inaalam na rin ng NYPD kung ang nasabing pag-atake ay bahagi ng hate crime o ramdom attack lamang.

Samantala, nagbabala naman ang Philippine Consul General sa mga Pilipinong naninirahan o bumibisita sa New York City na manatiling mapagbantay pagkatapos ng insidente.

Pinapayuhan din ang mga Pinoy sa lugar na mag-ingat kapag naglalakad sa mga lansangan o sumasakay sa mga subway.



Facebook Comments