74 na indibidwal na nakahalubilo ng 2 Chinese na nag-positibo sa nCoV, nahanap na ng DOH

Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang pitumpu’t apat na katao na nakasalamuha ng dalawang Chinese national na nag-positibo sa 2019 novel coronavirus-acute respiratory disease (2019-nCoV-ARD).

Ayon kay DOH-Epidemiology Bureau Head Dr. Ferchito Avelino – ang 74 ay nabigyan na ng abiso para magsagawa ng home quarantine.

Aniya, nangangahulugan ito na hindi sila maaaring makasalamuha sa kanilang mga kasama sa bahay.


Pero sabi ni Avelino – sa 74 na nahanap, mayroong walo na nakitaan ng sintomas ng flu at ubo.

Masusi aniya silang binabantayan ng DOH at isinama na sa bilang ng mga itinuturing na Patients Under Investigation (PUIs).

Tiniyak naman ng DOH na patuloy ang kanilang contact tracing sa iba pang mga pasahero na nakasabay ng dalawang nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD.

Facebook Comments