75-day Road Clearing Operation, ipapatupad ng DILG

Magpapatupad ang Dept. of Interior and Local Government (DILG) ng 75-day Road Clearing Operation.

Layunin nitong mapaigting ang hakbang ng pamahalaan na bawiin ang mga pampublikong kalsada.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, palalakasin nito ang paglilinis sa mga pangunahing kalsada dahil may ilang lokal na pamahalaan ang hindi nakasunod sa 60-day road clearing initiative.


Una nang iniulat ng DILG na nasa 97 mula sa 1,600 Local Governments ang bagsak sa inisyatibo.

Sa kabila nito, satisfied pa rin ang DILG sa performance ng mga LGU’s.

Facebook Comments