75% ng eligible population sa Batanes, fully vaccinated na kontra COVID-19

Aabot na sa 9,506 ang bilang ng mga fully vaccinated kontra COVID-19 sa lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Batanes Local Government Unit (LGU), katumbas ito ng 75.39 porsiyento ng 12,609 eligible population sa lalawigan.

Samantala, nasa 92.65% o katumbas ng 11,683 ng eligible population ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.


Patuloy namang bumababa ang bilang ng active cases sa probinsya habang patuloy rin na hinihikayat ang pagpapabakuna ng mga wala pang bakuna sa mga isasagawa pang vaccination rollout.

Facebook Comments