77-ANYOS NA LOLO SA URDANETA CITY, PATAY MATAPOS MALUNOD SA SINUCALAN RIVER

22
Binawian ng buhay ang isang senior citizen matapos malunod sa Sinucalan River na sakop ng Brgy. Nancalobasaan, Urdaneta City, Pangasinan.
Siya ay si Velancio Lalamoro, 77-anyos at isang magsasaka.
Base sa imbestigasyon ng otoridad, umalis ng kanyang tahanan ang matanda sakay ng kanyang tri-bike at nagtungo sa lugar upang manguha ng damo para sa kanyang mga alagang kambing.

Hinihinalang aksidenteng nahulog sa daluyan ng tubig ang lolo habang sakay ng kanyang tri-bike at hindi na muling nakaahon pa.
Sinuri ng doctor ang katawan ng biktima ngunit idineklara na siyang patay. | ifmnews
Facebook Comments