77% ng COVID-19 ICU beds sa mga ospital sa bansa, okupado na – DOH

Okupado na ang 77% ng Intensive Care Unit (ICU) beds sa mga ospital bansa para sa mga pasyente ng COVID-19.

Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), 79% ito ng kabuuang 1,500 kama sa National Capital Region (NCR).

Nananatili namang nasa high risk level ang mga ICU beds kasama na ang mga ward beds.


Samantala, umabot na sa 73% ng 15,900 ward beds sa bansa ang nagamit na.

Umabot naman sa 57% ng 3,300 mechanical ventilators ang nagamit kung saan 61% ng 1,200 ay nasa NCR.

Facebook Comments