78 KABAHAYAN SA SAN NICOLAS, NAPAILAWAN NA

Napailawan na ng 78 tahanan ng mga pamilya sa iba’t-ibang barangay sa San Nicolas sa pagpapatuloy ng Electrification Program ng lokal na naglalayong pagaanin ang problema sa kuryente sa mga komunidad.

Sa pinakahuling tala, 78 sa kabuuang 120 kabahayan na dating gumagamit lamang ng gasera at kandila, ang mayroon nang kuryente.

Sa ilalim ng programa, inaasahang masusuportahan ang edukasyon ng mga mag-aaral at kabuhayan ng mga magsasaka at mga manggagawa na nangangailangan ng pasilidad para sa produksyon ng ani.

Dagdag seguridad din ang naturang programa para sa kaligtasan ng mga residente.

Patuloy ang implementasyon ng programa hanggang sa makumpleto ang natitira pang kabahayan na dapat mabigyan ng permanenteng suplay ng kuryente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments