8 3rd level officials ng PNP, hindi pa rin naghahain ng courtesy resignation

Nasa walo pang 3rd level officials ng Philippine National Police (pnp) ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang courtesy resignation.

Ito ay mula sa 10 mga opisyal kahapon.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo hanggang ngayong araw na lamang ang deadline sa paghahain ng courtesy resignation.


Ani Fajardo, pagpupulungan pa nila kung ano ang maaaring gawin sa mga opisyal na hindi magsusumite ng courtesy resignation hanggang ngayong araw.

Pero paalala nito, magpasa man o hindi dadaan parin ang mga opisyal sa imbestigasyon.

Layon nitong malinis ang hanay ng PNP mula sa iligal na droga lalo pa’t ang mga opisyal na ito ang susunod na mamumuno sa PNP.

Facebook Comments