8-anyos na bata, patay matapos masagasaan sa Capiz

32

Capiz – Patay ang isang walong taong gulang na bata matapos masagasaan ng truck na may kargang buhangin at bato sa Sitio Man-It, Barangay Sto. Angel, Dumalag, Capiz.

Ayon sa driver na si Eufrosiño Moreno Jr., 46-anyos, biglang sumakay sa gilid ng truck ang menor de edad.

Posible raw na nadulas ito at nawalan ng balanse at nang mahulog ay nasagasaan.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Nangako naman ang may-ari ng truck sa pamilya ng biktima na tutulong sa pagpapalibing sa menor de edad.

Facebook Comments