8-anyos na batang babae, nailigtas sa cybersex den matapos ibugaw ng sariling kapamilya

Pampanga – Nailigtas ang isang 8-anyos na batang babae mula sa isang cybersex den sa Mabalacat City, Pampanga.

Arestado naman ang mismong tiyuhin at tiyahin ng biktima na inaming dahil sa pera kaya nagawang ibugaw ang pamangkin.

Ayon kay P/Insp. Renz Principe ng Mabalacat PNP, ang tip ng impormasyon ukol sa umano’y den ay galing mula sa British government, kung saan nakumpiska sa bisa ng search warrant ang ilang sex toy, laptop, web camera at condom sa naturang den.


Sinampahan na ng kasong child abuse ang mga suspek.

Facebook Comments