8 arestado sa paglaro ng cara y cruz sa isang lamay

29

Numancia, Aklan – Arestado ang walong katao matapos na mahuling naglalaro ng cara y cruz (tumbo) sa isang lamay kaninang madaling araw sa Purok 3, Brgy. Navitas, Numancia, Aklan. Ang mga naaresto ay kinilalang sina: Mark Anthony Caynap, 37-anyos, Ricardo Bamba, 49-anyos, Dexter Alcazarin, 29-anyos lahat residente ng nasabing lugar; Jenny Teodosio, 51-anyos ng Brgy. Baybay, Makato; Eric Jerome Ureta, 16-anyos ng Albasan, Numancia; Jezebel Salazar, 37-anyos ng Brgy. Camanci Sur; Perfecto Cordova, 57-anyos at Analina Reban, 45-anyos ng Navitas, Numancia. Inaresto ang mga ito matapos na maabutan ng mga miyembro ng Numancia PNP na naglalaro ng cara y cruz habang ang iba ay nakatakas. Na recover ng mga kapulisan ang perang nagkakahalaga ng P 3, 671.00 bilang mga taya at tatlong pirasong carahan at dalawang bote ng pulbo. Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 1602 o ang Illegal Gambling.

Facebook Comments