8 iba pang pasahero ng Emirates flight na nagpositibo sa COVID-19, isinailalim na sa re-swabbing

56

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na sumailalim na sa re-swabbing ang 8 sa mga pasahero ng Emirates flight (EK) na nakasakay ng Filipino passenger na nagpositibo sa United Kingdom (UK) variant ng COVID-19.

Ang naturang 8 pasahero ay nagpositibo sa swab test.


Kinumpirma rin ng DOH na 2 na lamang sa 159 na pasahero ng nasabing January 7 flight mula sa Dubai ang kanilang tinutunton.

Inaabangan na rin ng DOH ang resulta sa re-swabbing sa ina at kasintahan ng Pinoy na may UK variant ng virus.

Ang nakolektang sample ng DOH sa dalawa ay una nang pinadala sa Philippine Genome Center.

Layon nito na malaman kung UK variant ng COVID-19 ang naka-infect sa kanila.




Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang DOH sa Local Government Units (LGUs) para mahanap ang dalawa pang pasahero ng EK flight.

Facebook Comments