8 minor adverse events, naitala ng DOH sa mga nabakunahan ng Sputnik V

83

Walong minor adverse events ang naitala ng Department of Health sa mga indibidwal na nabakunahan ng COVID-19 vaccine na Sputnik V.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan kabilang aniya sa mga naranasan ay ang pananakit ng katawan, rashes, at pagtaas ng blood pressure.


Kaugnay nito, pinawi naman ni Vergeire ang pangamba ng publiko dahil nakauwi rin naman aniya ang mga pasyente sa mismong araw na nabakunahan ang mga ito.

Nasa limang Local Government Units ang nakatanggap ng 15,000 doses ng Sputnik V na tig-3,000 sa bawat lungsod.

Facebook Comments