8 New People’s Army Supporters, Sumuko sa Isabela

29

Cauayan City, Isabela- Sumuko sa mga awtoridad ang walong NPA supporters bitbit ang kanilang high-powered firearms kahapon ng umaga sa San Mariano, Isabela.

Tatlo mula saw along Militia ng Bayan ang isinuko ang isang MI Garand rifle, dalawang M16AI rifle at isang short magazine na agad ipinasakamay sa 98th Infantry Battalion.


Batay sa salaysay ng sumukong dating NPA member noong June 19, 2021, isiniwalat nito na ang kanyang grupo ay nagtago ng mga baril sa Sitio Nursery, Brgy Disulap, San Mariano, Isabela.

Dahil sa tulong ng mga sumukong supporters ay natunton ng mga awtoridad ang isang M16AI rifle with one magazine sa mismong lugar.

Resulta ng patuloy na pagpapatupad ng EO 70 sa probinsya katuwang ang 98IB, 5ID, PA, San Mariano Police Station, 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit-Isabela PPO at 142 Special Action Company, 14 Special Action Battalion PNP-SAF ang pagsuko ng mga grupo ng supporters.

Hinimok naman ni PRO2 Regional Director Police Brigadier Steve Ludan ang iba pang miyembro at supporters ng grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan at tamasahin ang payapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.



Sa kasalukuyan, mayroon ng 79 members at supporters ng communist terrorist groups ang sumuko sa pulisya sa Cagayan Valley simula noong nakaraang buwan.

Mula sa nasabing bilang, 18 dito ay Militia ng Bayan (MB), 12 ang regular members ng NPA habang ang 49 ay urban personalities.


Facebook Comments