8 oras na humanitarian pause sa Marawi City, naging mapayapa ayon sa AFP

45

Marawi City – Naging mapayapa sa kabuuan ang isinagawang walong oras na humanitarian pause ng militar sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa harap ng pagdiriwang ng Eid al-Fitr ng mga kapatid na Muslim.

Sinabi ni Padilla, sa kabila na generally peaceful ang humanitarian pause ay nagkaroon ng saglit na putukan kahapon ng umaga at pasado alas dos ng hapon kahapon.


Matatandaang nitong nakalipas na Biyernes nang magdeklara ang AFP ng humanitarian pause na naging epektibo kahapon mula alas 6 ng umaga hanggang alas dos ng hapon.

Ito ay para ipakita sa local Muslims sa Marawi City ang pagrespesto ng militar sa pagdiriwang ng Eid Al-Fitr kahit na patuloy ang panggulo ng Maute Terror Group sa lungsod.

Facebook Comments