8 sugatan matapos araruhin ng Montero sa Cotabato City

Walo ang nasugatan matapos araruhin ng isang Mistubishi Montero ang limang mga vehicle sa tapat ng isang Mall sa Cotabato City pasado alas singko kahapon

Sa report mula sa Traffic Management Unit ng City PNP, ililipat lamang sana ng parada ang Montero ni Faisa Leah Ponga 24 anyos residente ng Brgy Gang Sultan Kudarat ng biglang nag accelerate at dirediretsong maararo ang dalawang tricycle, motorsiklo, padyak, at isang Ford Escape. Nahinto lamang ito ng bumangga na sa poste ng kuryente.

Naging sugatan ang mga driver ng tricycle, 2 pasahero ng mga ito, driver ng motor at 3 pedestrian.


Sinasabing isa sa mga pedestrian ay nakaladkad at nagulungan pa ng tire. Kinilala ito na si John Jumao, 19,istudyante residente ng Broce sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Maliban sa nawasak ang harapang bahagi ng Montero maswerteng hindi napano ang driver nito.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad, habang 7 sa mga naging sugatan ay nakalabas na sa ospital.

Facebook Comments