8 WANTED PERSON SA CAGAYAN, ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON

Cauayan City – Naaresto ng PNP Cagayan ang walong wanted na indibidwal sa magkakahiwalay na operasyon, kabilang ang mga itinuturing na most wanted sa malalalang krimen.

Kabilang sa mga nahuli si alias “Jaybee,” Provincial Top 2 Most Wanted, dahil sa kasong Statutory Rape at paglabag sa RA 7610.

Arestado rin si alias “Apot” sa Quezon City dahil sa kasong Frustrated Murder at dalawang hinihinalang miyembro ng NPA ang nahuli sa kasong Robbery with Arson.

Samantala, nadakip rin sina alias “Greg” (Act of Lasciviousness), alias “Manny” (Illegal Possession of Firearms), alias “Mando” (Anti-Carnapping Act), at alias “Jhong” (Estafa).

Ayon kay PCOL Mardito G. Anguluan, bahagi ito ng patuloy na kampanya ng PNP Cagayan laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.

Facebook Comments