80 bilanggo, makatakas sa gitna ng protesta sa Haiti

Haiti – Nakatakas ang aabot sa 80 preso sa isang bilangguan sa Haiti.

Naganap ang pagtakas sa kasagsagan ng anti-moise protest rallies laban kay Presidente Jovenel Moise sa harap ng isang police station.

Habang abala ang mga otoridad sa pagbabantay sa isinasagawang protesta ay sinabayan ito ng pagtakas ng mga preso sa bayan ng Aquin.


Patuloy naman ang paghahanap ng mga pulis sa mga nakatakas na bilanggo.

Facebook Comments