800 na empleyado ng isang pribadong kompanya sa Quezon City, isinailalim sa expanded COVID-19 testing

31
Photo Courtesy: Quezon City CEDSU

Halos walong daang empleyado ng isang pribadong kompanya sa Quezon City ang isinailalim sa COVID-19 testing ng lokal na pamahalaan.

Ginawa ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) ang expanded testing sa General Metal Container Corporation na kaisa sa adhikain ng Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng health protocols.


Ang expanded testing ay bahagi ng disease surveillance strategy na kasalukuyang ginagamit ng pamahalaang lokal laban sa COVID-19.

Layon nito na proteksyunan ang kaligtasan ng mga taga-Quezon City laban sa nakakahawang virus.

Una rito, may iba pang mga lugar at komunidad ang dinayo ng CEDSU at nagsagawa ng expanded testing sa mga residente.

Facebook Comments