800 opisyal at empleyado ng gobyerno, sibak sa pwesto dahil sa katiwalian, ayon kay Pangulong Duterte

1392

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy niyang hahabulin ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na sangkot sa korapsyon.

Sa kanyang televised address, sinabi ni Pangulong Duterte na nasa 800 opisyal at manggagawa ang na-dismiss sa serbisyo dahil sa ilegal na aktibidad.

Kasabay nito, pinangalanan ni Pangulong Duterte ang ilang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagbulsa ng tax collections at nag-request ng pera kapalit ang pag-apruba sa mga permit.


Sinabi rin ng Pangulo na marami pa siyang papangalanan sa susunod na linggo na sangkot sa iregularidad.

Ang mga nasibak na opisyal at kawani ay nahaharap sa kasong administratibo.

Facebook Comments