8,000 vaccination kada araw, target ng Taguig LGU

37

Itataas na ng Taguig City ang kanilang target vaccination kada araw sa 8,000 mula sa 6,800.

Sa harap ito ng patuloy na pagdagsa ng mga bakuna sa lungsod.


Hindi lamang kasi mga residente ng Taguig City ang binabakunahan ngayon sa Taguig kundi maging ang mga manggagawang nagtatrabaho rito.

Sa ngayon, 143,512 na indibidwal na ang nabakunahan sa lungsod.

Kabilang dito ang mula sa A1, A2, A3, at A4 categories.

Sa ngayon, 12 ang vaccination sites sa lungsod kabilang na dito ang mga nakadeploy na vaccination buses.



Facebook Comments