814 na bagong kaso ng COVID-19 Omicron variant sa bansa, naitala ng DOH

66

Naitala ang 814 na karagdagang kaso ng Omicron COVID-19 variant sa bansa ngayong araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), 688 dito ang BA.5 variant, 16 ang BA.4, habang 110 naman ang “other sublineages” na resulta ng huling sequencing ng ahensya nitong September 16 hanggang 19.

Sa nasabing bilang ng BA.5 variant, 126 dito ang naitala sa Metro Manila, 104 sa Western Visayas, at 75 naman sa Cagayan Valley.


Samantala, naitala naman sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN ang pinakamaraming kaso ng BA.4 variant sa bilang na 12.

Nitong nakaraang linggo naitala ang 14,707 na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments