82 NA BABY PAWIKAN, PINAKAWALAN SA KARAGATAN NG DASOL, PANGASINAN

Namangha ang ilang residente sa brgy. Macalang Dasol Pangasinan matapos masaksihan ang pagpapakawala ng mga baby pawikan sa karagatan.

Sa inupload na video ni Idol Bherts, makikita ang mga 82 na maliliit na pawikan na unti-unting lumalabas sa lumalabas sa buhangin.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pawikan hatchlings sa lugar.

Sa katunayan, noong mga nakaraang taon, may mga naitalang insidente rin ng pawikan nesting sa Barangay Macalang.

Ang Dasol ay isa sa mga lugar sa Pangasinan na paboritong pangitlugan ng mga pawikan dahil sa tahimik at malinis nitong mga dalampasigan.

Bilang bahagi ng mga endangered species, ang mga pawikan ay protektado sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments