8,400 family food packs, ipinadala na para sa mga pamilyang naapektuhan ng bakbakan sa Marawi

71

Marawi City – Ipinadala na ang 8,400 family food packs para sa mga pamilyang apektado ng bakbakan sa Marawi City.

Ang nasabing food packs ay inihanda sa Department of Social Welfare and Development Center sa Cebu at dadalhin sa Iligan City.

Batay sa datus ng DSWD – mahigit 69,900 na pamilya o mahigit 338,000 na katao ang displaced bunsod ng bakbakan sa marawi city.

Sa nasabing bilang, mahigit 17,000 na katao ang nasa mga evacuation centers habang mahigit 290,000 naman ang nakikita sa kaanak o kaibigan.

Facebook Comments