85 pamilya, nasunugan sa Rodriguez, Rizal

Nasa 85 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Barangay Burgos sa Rodriguez, Rizal kahapon.

 

Sa covered court na ng Burgos Elementary School nagpalipas ng gabi ang mga nasunugan at doon na rin nila gugunitain ang Semana Santa.

 

Agad din namang umasiste ang mga tauhan ng Municipal Health Office at Social Welfare and Development Office.


 

Umapela naman ng tulong sa lokal na pamahalaan ang mga residente.

 

Para sa mga nais tumulong, maaari pong mag-donate ng mga damit at shorts, inuming tubig, pagkain, banig, kumot at unan.

Facebook Comments