86 BARANGAY SA SAN CARLOS CITY, TUMANGGAP NG E-TRIKE MOBILITY VEHICLES

Tumanggap ng e-trike mobility vehicles ang walumpu’t anim na barangay sa San Carlos City mula sa nakolektang buwis ng lungsod.

Layunin na magamit sa mga aktibidad at programa ng mga Sangguniang Kabataan at Barangay Councils ang mga sasakyan para sa kanilang mga nasasakupan.

Nanawagan naman ang Pamahalaang Panlungsod ng wastong pangangalaga sa mga ipinamahaging e-trike upang magamit nang matagal at mas maraming residente ang matulungan.

Kaugnay nito, hinihikayat ng tanggapan ang publiko sa pagsunod sa pagbabayad ng buwis na pinanghuhugutan ng pondo sa ilang proyekto sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments