86% ng mga Pilipino, nakarehistro sa PhilHealth

60

Nasa 94.9 million mula sa 110 million na Pilipino o katumbas ng 86% ng populasyon ang nakarehistro sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay PhilHealth Vice President for Membership Management Oscar Abadu Jr., mula sa nasabing bilang, 52 million ay mga miyembro habang 42.7 million ay dependents.

Kabilang sa mga miyembro ay employed contributors, direct at indirect individual contributors at senior citizens.

Karamihan sa 15.2 million Filipinos na hindi pa nakarehistro sa PhilHealth ay dependents.

Target ng PhilHealth na maabot ang 95% ng populasyon ngayong ganap na batas ang Universal Health Care law.

Facebook Comments