865 private schools, nagsara ngayong pasukan; DepEd, may mahigit 55,000 bakanteng posisyon

165

Aabot sa mahigit 800 na mga private schools na ang nagsara ngayong School Year 2020-2021 dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.


Sa nagpapatuloy na pagdinig sa 2021 budget ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Usec. Jesus Lorenzo Mateo na tinatayang aabot sa 865 na mga pribadong paaralan na ang nagsuspinde ng kanilang operasyon ngayong pasukan.

Karamihan sa mga private schools na nagsara ay nasa elementary .

Samantala, aabot naman sa 55,807 ang mga bakanteng posisyon ngayong taon sa DepEd kasunod na rin ng naging pagtatanong ni Baguio Rep. Mark Go.

Ayon naman kay Mateo, mayroong 988,567 na plantilla positions sa buong bansa ang ahensya at target nilang kumuha ng mas marami pang guro na makakatulong sa blended at flexible learning.

Humihingi naman ng pondo ang DepEd para mag-hire ng karagdagang 10,000 personnel upang mapanatili ang pupil to teacher ratio.

Inirekomenda naman ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado sa DepEd na bigyan ng ₱3,000 monthly allowance ang mga guro upang matiyak na makakapag-deliver ng kanilang mga lessons gamit ang digital platform.




Facebook Comments