9 na mga indibidwal sa Muntinlupa, pinagdadampot dahil sa curfew

41

Umabot sa siyam na mga indibidwal ang pinagdadampot ng Muntinlupa City Police dahil pagala-gala ang mga ito habang umiiral ang curfew hour sa Lungsod ng Muntinlupa.

Ang mag hinuli ay nakilalang sina Marvin Escubio Francisco, Albert Berganos Prado, Aldrin Berganos Prado, Joseph Castro Rameses, Laurence Almeda Agao, Bruce Panto Edrosolan, Mary Rose Disacula Eslava, Julius Sarmiento, at Salahadin Abayon Padilla.


Ayon kay P/Cpl. Jemar Maneclang Joves, ang mga hinuli ay mga nasa hustong gulang na.

Aniya, lahat sila ay nakatambay sa kahabaan ng Purok 2, Barangay Sucat ng nasabing lungsod pasado alas-12:00 kagabi.

Wala rin anya umanong maipakita na quarantine pass ang mga nahuli.

Sinabi rin nito na dinala ang mga nahuli sa Muntinlupa Police Station para maitala at mailagay sa kanilang ulat sa mga lumabag sa curfew, pero kalaunan pinauwi rin ang mga ito.

Facebook Comments