90-day suspension laban sa San Jose mayor, pirmado na

151

Ipapatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 90-day suspension kay San Jose, Occidental Mindoro Mayor Romulo Festin.

Si Festin ay isa sa mga tumulong sa mga mangingisdang Pilipinong sakay ng F/B Gem-Ver 1 na binangga ng barko ng China sa Recto Bank.


Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – pinirmahan niya ang suspension order nitong Martes at magiging epektibo anumang araw ngayong linggo.

Nitong May 22, ipinag-utos ng Sandiganbayan na suspendihin si Festin dahil sa graft cases na isinampa laban sa kanya kaugnay sa computerization ng real property tax, assessment, pagbili ng multi-cab na walang public bidding at pagbibigay ng sahod sa ilang indibidwal na walang daily time records.

Facebook Comments

From Advertisers