90 DAYS APPROVAL | IRR para sa ease of doing business law, pinabibilisan na ng DTI

96

Manila, Philippines – Pinabibilisan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng ease of doing business law.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mayroong 90-araw na timeline para sa approval ng IRR.

Matatandaang nitong May 28 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong atasan ang lahat ng government agencies kabilang ang mga Local Government Units (LGUs) na tapyasin ang processing time ng mga business permits at official documents.

Ang pagpapatupad ng batas ay naging hakbang para umangat sa 113th ang ranking ng Pilipinas mula sa 190 bansa sa 2018 world bank ease of doing business report.

Facebook Comments