90 Percent Ng Mga Balota Sa Iba’T-Ibang Probinsya Sa Bansa, Naideliver Na

11

MANILA – Naideliver na ang 90 porsyento ng mga balota sa iba’t-ibang probinsya sa ating bansa.Ayon sa Commission On Election, ang mga natitirang balota na lang sa kanila ay ang mga nakalaan para sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.Inaasahang matatapos ang shipment ng mga balota sa April 30 at sisimulan ang paghatid sa mga presinto para sa final testing sa Mayo 2-6, 2016.Tiniyak ng poll body na matatapos ang paghahatid ng mga election materials bago pa man ang araw ng halalan.

Facebook Comments