
Agad na rumesponde ang mga awtoridad sa isang tawag sa 911 kaugnay ng umano’y maingay na videoke na naitala bandang 11:05 ng gabi sa Brgy. Amandiego, Alaminos City. Kaagad na ipinadala ang mga rumespondeng tauhan upang beripikahin ang sitwasyon sa lugar.
Pagdating sa pinangyarihan, napag-alamang walang nagaganap na maingay na videoke sa oras ng kanilang pagdating. Tiniyak ng mga rumespondeng tauhan na maayos at payapa ang paligid bago tuluyang lisanin ang lugar.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko na makipagtulungan at mag-ulat ng anumang insidente sa pamamagitan ng 911 upang masiguro ang maagap na aksyon at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










