Nakatanggap ng Assistance in Crisis Situation o AICS ang siyamnapu’t dalawang indigent Dagupeños kasabay ng isinagawang orientation tungkol sa disaster preparedness at SafeNet ngayong Mayo a-beinte.
Layunin ng programa na hindi lamang makapagbigay ng tulong pinansyal kundi mapalawak din ang kamalayan ng mga benepisyaryo sa kahandaan sa sakuna at proteksyon laban sa anumang uri ng dahas at abuso.
Nagtulungan ang City Social Welfare and Development Office, City Treasurer’s Office, at City Disaster Risk Reduction and Management Office upang matiyak ang maayos, mabilis, at maaasahang pagproseso ng pangangailangan ng mga residente.
Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga Dagupeño na maging handa at mapagmatyag upang mas mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilya sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











